Sunday, November 7, 2010

To Use My Head Or To Use My Heart?


My head says go; my heart says no. My head says turn to one direction; my heart tells me to go to the other. Which one should I listen to?

In retrospect, I always have been in a constant struggle with this dilemma. Career-wise, my head is practicalconcerned with the pay and the opportunity for promotionwhile my heart is concerned with happiness, having a sense of fulfillment, and doing what I really love to do. Romantically speaking, my head sees the stumbling blocks; my heart finds a way to get through them. My head figures out the truth through the lies; my heart stubbornly looks the other way. I listen to my heart and ignore my head almost 100% of the time, and I usually end up having one hell of a heartbreak every time I do. When this happens, my head whispers with poorly-hidden sarcasm to my heart, “See, I told you so…”

My head thinks; my heart daydreams. My head is academically competitive; my heart has an IQ level of below freezing point. My head is agonizingly realistic; my heart is unreasonably hopeful. My head looks before it jumps; my heart just goes where it wants to. My head is absolutely rational; my heart is utterly illogical. My head is a fighter; my heart is a sulker. My head debates; my heart concedes. My head has near-perfect vision; my heart is blind.

But…

My head is vengeful; my heart is a total martyr. My head is a sadist; my heart is a masochist. My head is Mr. Hyde; my heart is Dr. Jekyll. My head is scheming; my heart is forgiving. My head is a hideous culprit; my heart is a helpless victim. My head is full of pride; my heart is overflowing with humility. My head is corrupt; my heart is conscientious.

Do I have a better head or a better heart?


When I follow my heart, I end up in a lingering, messy heartache. No one gets hurt but me. I take all the blame. But never have I felt any regret for the things I’ve done when I decide to follow my heart, for I know I’ve done the right thing.

When I listen to my head, on the other hand, I hurt people along the way. I end up feeling unhappy, ashamed, and guilty. There was this particular time in my life when I used my headI did horrible things and got trapped in my own intricate web of lies. I never thought I was capable of such evilI hurt someone who genuinely loved me, someone who I could have been happy with. And in the end, I hurt myself even more, knowing how cruel and heartless I have been, no matter how much I tried to be gentle.

Okay, so I have a better heart, but that doesn’t mean I’m just going to disregard what my head says all the time. Maybe the best thing to do would be to let my heart take me to where my happiness is, then let my head decide what to do next and where to go from there. After all, if either of them stops, I’m history!


(originally written on June 14, 2010)

Monday, November 1, 2010

Ganito Kami Noon, Ganito Pa Rin Kami Ngayon

F4K (ef fôr kā) n. ~ short for Friends for Keeps; pauso ni Joy, hango sa grupong F4 na sikat nung mga panahong yun dahil sa Meteor Garden (corny ba kamo? inggit ka lang, baka wala ka kasing friends!).


Dahil sa matalim kong memorya, hindi ko na matandaan kung anong year na kami nung imbentuhin ni Joy (oo, siya na naman! at siya rin ang founder ng PutaKada <Putang Edukada>) ang ideya ng 10/10/10 (October 10, 2010), kung saan kaming lahat eh nangako nito sa isa't isa: "Kahit ano'ng mangyari, kahit nasaang sulok man tayo ng mundo, gagawa at gagawa tayo ng paraan para makapunta tayo dito (sa Malolos Capitol) sa 10/10/10." Kasabay nito, naging instant manghuhula kami sa mga kahihinatnan ng bawat isa.
·     Joy — Career woman. No time for love.
·     Emcee — Career woman.
·     Abel — Negosyante na. Mahilig kasi magbenta ng kung anu-ano.
·     Elay — May asawa (si Edgar) at anak na.
·     Rellie — May sariling pagawaan na ng suman.
·     Jeff — De-kotse na. Nakapagtapos na ng Master's Degree.
·     Aleiah — May asawa (si Paul) at anak na. At hindi lang basta isa o dalawa, kundi tatlong anak (at talagang uhugin pa ang iniimagine nila!), at buntis pa raw ako (sa maniwala kayo at sa hindi, magkakaibigan kami kahit parang hamster ang tingin nila sa akin).

Alin sa mga ito ang nagkatotoo? Wag kayong excited, mamaya na yung part na yun.

———

(Paalala: Ang mga susunod na eksena ay di angkop sa mga bata, pati na rin sa mga matandang nagkukunwaring inosente sa pag-aakalang magiging cute sila dahil dito.)

Nung mga unang linggo ng barkadahan namin, nangangapa pa kami sa ugali ng bawat isa, lalo na sa sense of humor ng bawat isa, kaya tuwang-tuwa kami nang madiskubre namin na pare-pareho pala kaming ma-L, as in maLiligayang tao. Dahil lang sa kwento tungkol sa "paghuhugas ng kamay" bago "maglaro," nagkaalaman kami ng mga tunay na kulay. Ma-L din pala si Joy tulad ko, maLigaya. At sumunod na sa mabuting ehemplo ng kaLigayahan sila Abel, Emcee, at Rellie. Medyo pa-kyeme pa noon sila Elay at Jeff. Kaya si Rellie ang biniktima namin. Minsang may hawak na itlog si Rellie, binantaan namin siyang pipisain namin ang itlog nya (itlog ng manok). Doon nagsimula ang pangmomolestya namin sa kanya. Hipo dito, hipo doon. Ang itlog ng manok na hawak ni Rellie, kulay puti. Ang itlog ni Rellie, sa totoo lang, di ko pa nakikita (sayang!) kaya di ko alam ang kulay. At hindi ko alam kung para saan ang sinabi kong yun, basta tinype ko lang. Nauso rin ang reyp-reypan sa aming pito, kung saan ang biktima (na walang iba kundi si Rellie) ay pagtutulung-tulungan naming molestyahin at daganan ng patung-patong (parang uno stacko lang!). Narito ang ebidensya, kung saan makikitang virgin pa si Rellie dahil nagdugo sya:


Okay fine, ang totoo nyan eh tanga lang talaga si Rellie. Nasemplang sya sa motor bago kami umalis papuntang Pagudpud (kung saan kuha ang larawang ito), ngunit hindi nya matanggap ang katangahan at pilit na sinisisi ang mga "engkanto" sa dinaanan nyang lugar. At ayun, pagkatapos namin siyang kuyugin eh dumugo ang sugat nya sa magkabilang tuhod. Makikita rin sa larawang ito ang mga pagod naming mukha, lalo na ang kay Joy (makikita sa reflection sa salamin) na parang nasa state of shock pa.

Dahil sa mga pang-aabusong natatanggap galing sa amin, nagrebelde rin si Rellie. Hindi lang nya pinantayan ang kaharutan namin, sinobrahan pa! Kung may entrance exam sa eskwelahan ng mga manyak, pasok agad sa section A si Rellie. Hindi nagtagal, kami na ang sumusuko sa kanya. Narito ang ilang pruweba (warning: explicit content!):






Pero in fairness, matulungin naman sya kahit manyak. Eto ang patunay:


Basta kagaguhan, kahit siguro kasimbigat ako ni Nadia Montenegro eh pilit pa rin akong bubuhatin nyan para lang makapagpapicture ng kalokohan. At eto pa ang isa:


Ay shet! Teka, cut! Maling picture! (pinilit lang nila akong gawin yan, promise!)

———

Hindi naman sa nag-aangat ako ng sarili naming bangko, pero masasabi kong ang barkada namin ang pinaka-cool sa section namin. Kami yung tipong maingay sa klase pero may sense, nambo-boycott ng klase pero responsable, at madalas nakatambay pero pinakamatataas pa rin sa exams. Ganito ang halimbawa kung pano kami sa loob ng klase:

(trivia: naging teacher talaga si Jeff dati, pero isang taon lang ang itinagal nya.
bakit? kasi lalo syang na-haggard!)

At isa pa, hindi kami gumagamit ng kodigo o nagkokopyahan. Uhm, teka.. Nagkokopyahan din pala kami minsan pero pag may teacher's consent lang. Hahaha! Katulad na lang sa practical exams kay Sir Freddie dahil hinahayaan nya lang naman talaga. Hehe. (At tandaan, kung takot ka kay Sir Freddie, mas mababang uri ng hayop ka pa kaysa ipis!)

Isa si Sir Freddie sa mga paborito kong guro. Matalino pero hindi ma-ere. At sa totoo lang eh napakamahiyain pa nga nya. Crush ko siya noon kahit na minsan mali-mali ang pronunciation nya sa mga scientific terms, tulad ng "koylom" (coelom), "lup of hinle" (loop of Henle), "kanggarurát" (kangaroo rat), at iba pa. Si Ma'am Grace (Cytology, Limnology, etc.) naman, ang banat eh "lants" (lunch), "fild chrip" (field trip), at iba pa. Eto ang ilan sa mga nagustuhan kong professor namin sa BSU:
·     Sir Freddie (Anatomy, Embryology, etc.) — Nasabi ko na kung bakit. Minsan lang siya nagalit sa amin (dahil binoycott namin ang klase nya) pero sobrang galit na galit sya nun. Ibinalik nya pa nga sa amin ang mga classcard namin, habang isinisigaw ang mga apelyido namin, tulad ng "Amposta!" with matching konting piyok pa sa bandang huli (halatang hindi sanay magtaas ng boses). Galit na galit na sya nun, pero natawa lang kami ng pasikreto. Cute kasi nya eh. Hehe.
·     Sir Advincula (Psychology) — Ito ang talagang naging crush ko noon ng sobra, kahit na binubwisit nya ako dahil sa kilay ko. Masaya siyang kakwentuhan, at gustong-gusto ko talaga ang subject nya. Psychology kasi talaga ang gusto kong kurso noon.
·     Ma'am Halili (Soc Sci) — Cool na cool lang on the outside kahit napakagugulo ng mga punyetang bunganga namin pag nagkaklase siya (pero sa totoo lang, malamang gusto na nya kaming paslangin lahat, kung makakatayo lang sya sa wheelchair nya). Iniimagine pa naming magbabarkada yung itsura nya habang nakasabit sa jeep nung maaksidente siya (oo na, we're so mean!).
·     Ma'am Dionisio (Chem) — Ang founder ng Bobina Bumblebee Club (clue: hindi maganda ang ibig sabihin pag naging member ka nito).
·     Ma'am Carcosia, Ma'am Salamo, & Ma'am Baesa (Trigo, Algebra, & Soc Sci) — The Baesa sisters. May kastriktuhan, pero magagaling magturo.
·     Ma'am Francisca (Physics) — Hindi nagpabayad nung umupo siya sa thesis namin. Hindi siya mukhang pera at sincere tumulong!
·     Sir Edwin (Genetics, Ecobio, etc.) — Pag time nya, ibig sabihin oras na para tumambay! Matalino rin siya at mabait, lagi nga lang late.
·     Sir Vic (Filipino) — Gentleman at humble. Cool lang lagi. Parang lumang tao.
·     Sir Villafuerte (English) — Armor! Kailangang uminom ng Cherifer at Appeton. Masarap biruin, tulad ng "Sir, anlaki-laki mo na ah!"
·     Sir Alex (PE) — Bi now, gay later. Ang kaisa-isang uno ko sa tanang buhay kolehiyo ko!
·     Ma'am Jocel (Botany) — Wala lang, gusto ko lang. Paki nyo?
·     Sir Javier (Microbio, Histology, etc.) — Joke! Putangina ka sir, feeling mo nagustuhan ka namin? Dun ka sa kabilang listahan. Pakyu! (Note: Hindi ako galit.)

At syempre, kung may listahan ng mga good teachers, mawawala ba naman ang para sa EVIL ones?! Eto sila, ang mga gurong nagpapaikot lang ng roleta ng kapalaran tuwing bigayan ng grades... ang members ng hall of shame!
·     Sir Javier (Microbio, Histology, etc.) — Mukhang pusod ng sanggol na hindi agad nagupit at naiwan hanggang sa matuyot. Mongoloid version ni Chucky ng Child's Play (hindi kami namimintas, nagsasabi lang kami ng totoo!). Maraming raket, lahat alam nya, mula forensics hanggang sa latest showbiz scoop. (Note: Mayabang ang putanginang to!) Laging may 100% patong ang presyo ng mga lab instruments/chemicals na binebenta. Masarap tulugan sa klase dahil sya lang naman ang nakakaintindi ng lessons nya. Magpapabasa ng mahabang handouts pero pagdating ng exams, wala dun lahat ang mga tanong! Kahit ano'ng gawin mo, lumuha at tumae ka man ng dugo, tumataginting na tres pa rin ang grade mo (pwera na lang kung kamukha mo si Jeff, dahil 2.75 ang grade mo), kapantay ng mga kaklase mong nabubuhay lang sa pangongopya. Kahit na mamatay-matay ka na sa hirap ng paggawa ng microscopic slides, lalaitin nya pa rin ang gawa mo.  Ilang beses na namin siyang pinagmumura.. pero sa isip lang namin. Pahirap sa buhay! Mamatay ka na Raymond Javier!
·     Sir Alaijos (Zoology, Entomology, etc.) — Pinagkaitan ng buhok sa bunbunan, lahat napunta sa kilay. Ang walang kakwenta-kwenta naming thesis adviser. Simpleng manyak, pero bading naman pala. Dynamic duo sila ng asawa nyang parang apa ng ice cream ang korte ng katawan. Matalino sana (sobra) pero may pagka-ere. Siya ang suki ng pamboboycott namin ng klase, o minsan pinagtataguan namin para akalain nyang umuwi na kami. Kunwari sa room P14 ang klase namin, pupunta kami sa room P11 at isasara ang mga bintana at pinto, at tatahimik kaming lahat pagdaan nya papunta sa totoong classroom namin. Minsan ginawa namin to, pero binulungan ata siya ng guardian devil nyang panot dahil naisipan nyang sumilip sa basag na jalousie ng room na pinagtataguan namin, at ayun, huling-huli kami!
·     Sir Boni (English) — Kilalang naninira ng buhay ng estudyante sa pamamagitan ng pambabagsak. Binigyan ako ng singko. Sa English! As in basic English! Pucha na yan, ano'ng basehan nya para ibagsak ako? Was he thought me stupid of English? He does not sure! Hehe. Lahat ng lalaki sa klase, pasado. Hayup na baklang yan! (Note: Dahil defensive ako, magpapaliwanag ako. Ibinagsak nya raw ako dahil halos wala akong record ng seatworks sa kanya, na basehan nya ng attendance namin.)
·     Ma'am Mangaran (Statistics) — Subject pa lang, nakakainis na. Idagdag mo pa ung mukha nya. Saka ang pagsasalita nya, parang penguin!
·     Sir Richard (Botany) — Laging kausap ang board at ang sarili. Walang kwentang magturo.
·     Ma'am Sebuano (Chem) — Wala lang, nakakabadtrip lang. Lagi kaming excited sa uwian pag siya na ang nagtuturo.
·     Ma'am Tongol (Chem) — Topakin. Feeling maganda. Vroom-vroom naman!
·     Ma'am Carol (Soc Sci) — May superiority complex. Pero ang totoong superior lang sa kanya, ang timbang nya.
·     Sir Marcelino (Soc Sci) — Feeling nya, siya lang ang sibilisadong tao sa buong BSU. Tuwing papasok siya sa classroom, ang bungad na reklamo nya eh "You are so uncivilized!" samantalang wala naman kaming ginagawa, bukod sa pagkukwentuhan. Bawat araw ng klase nya, yan ang sinasabi nya sa amin. Ewan ko ba kung ano problema nung kulugo na yun. Siguro pati palaka sinabihan nya nun kaya inihian siya sa mukha kaya marami siyang kulugo. Minsan naiimagine kong dinuduraan ko sya sa mukha para matahimik siya. Nang magkaroon ako ng pagkakataon na magsulat sa college paper namin, dun ko siya pasimpleng tinira. Kala nya ha!
·     ROTC Officers — Sa barkada namin (at sa buong klase namin, actually), ako lang ang nagmaganda at sumali sa ROTC imbes na sa CWTS (tamad kasi ako sa homeworks). Ito ang pinagsisihan ko dahil sinayang lang ng mga manyak na to ang oras ko tuwing Linggo. Walang ginawa kundi manindak, kumain, magpahirap, at makipaglandian. Bukod sa pagyayabang, hobby rin nila ang ibilad kami sa araw. Sa mga kamay nila ko lang naranasan ang magmukhang tanga habang gumagapang sa field ng BSU at may hawak na mabigat na rifle. Minsan sa isang theoretical lesson namin, isang mataba at hambog na officer ang nagtanong sa amin kung ang anthrax ba ay isang chemical o biological weapon. Sabi ng mga kasama ko, chemical daw. Nagtaas ako ng kamay at sinabing biological weapon yon. Tumawa pa ang gago, mali daw ako. Ipinilit ko ang alam kong tama, pero lahat sila tutol sa akin. Naisip ko, eh di sige, magsama-sama kayo sa katangahan nyo! Hello, bacteria kaya ang anthrax! Bacillus anthracis pa nga ang scientific name nun! For their information, isang Biology student ang kausap nila. Anyayabang eh puro bobina bumblebees naman. (Yabang ko rin no? Hehe.)


May organizational chart pa ang mga walanghiya ngayon! Kung pwede lang izoom-in para makita ang pagmumukha ni Javier, na ngayon eh may katungkulan na pala talaga sa College of Science (malakas talaga ang kapit ng tuko sa mga may katungkulan!).

———

Minsan, nagmumukha akong tanga pag naaalala ko ang mga kagaguhan namin noong college. Tulad na lang pag nakasakay ako sa jeep, o kaya eh nasa seryosong usapan o seminar, natatawa ako kahit ako lang mag-isa. Sa loob ng apat na taong pinagsamahan namin sa kolehiyo eh sandamukal na kalokohan at bloopers na ang meron kami.

Habang naghihintay kami ng klase, madalas kaming tumatambay sa harap ng Integrated Building. Ang parte ng building na yon na nabili namin ay tinawag naming "bukangkangan." Bakit? Dahil puro nakabukaka ang mga umuupo doon (palibhasa, slacks ang uniform namin). Ito ang pinaka-memorable na parte ng BSU para sa amin. Nabili namin ang yun kaya may titulo kami ng lugar na yun, seryoso! Ang sinumang mangahas na mang-agaw ng tambayan namin (lalo na kung konti lang sila) eh makukuyog. Yung tipong pag may naabutan kaming dalawang first year students na nakaupo at nagrereview o nagmomoment doon eh uupo kami sa magkabilang gilid nila, sabay magkukwentuhan ng malakas, hanggang sa umalis ang mga pobreng baluga (ang term namin para sa mga freshmen) dahil sa pagkairita sa ingay namin. O di kaya eh isa-isa kaming uupo sa paligid nila, hanggang sa marealize nila na outnumbered na sila.

Sa bukangkangan kami umii-spot ng mga fafa, nanlilibak ng kapwa, nagwawarakan ng kanya-kanyang pagkatao, naglalandian, nagpapa-cute, at kumakain ng burger (pronounced as "borger," sa paraang wa-class). Pag naiinip kami, kawawa ang mga mapagtitripan namin sa mga dumadaan. O minsan, pag sobrang wala kaming magawa, eh naglalaro kami. Kunwari, mapagkakasunduan namin na ang pang-walong babae na bababa sa hagdan eh itutukso namin kay Rellie, ayun, kung sino man siya, eh mamumula sa sobrang kahihiyan. Sabay-sabay kaming sumisigaw ng "Uyyy...! Si Rellie crush yung naka-pink na bag, yung naka-ponytail!" Ang paborito ko eh ito: "Uyyy… si Joy crush  yung maitim yung batok!" At lalo pa kaming ginaganahan sa panunukso pag pinagkaitan ng face luck ang kawawang estudyante.

Dito rin ipinanganak ang mga bansag namin sa ilang kaklase, tulad ng Billy Bilyonaryo (marami kasing peklat sa binti, na parang coins), Jacko (mukhang Jack o'Lantern), Jose (kamukha kasi ni Jose ng Eat Bulaga), Footstep (mukhang paa), Ewoks (self-explanatory), Kite (pronounced as "ki-te," hindi "kayt," dahil mukhang kite o sisiw sa balot), at iba pa. Dito rin namin iniimagine ang itsura ng mga putotoy (merong maskulado, may nakasuot ng pambatang gora, may tigasin, may lukot at uugod-ugod, may nakasuot ng armor, etc.) ng mga kaklase, professor, o kahit sinong mapagtripan namin. Dito rin namin nililibak ang pagkatao nila Ka Hoben at Bulina, na parehong tumatao sa katabi naming xeroxan (trivia: Tinawag namin siyang Bulina dahil sa buhok nyang matingkad na pula, kulot, at matigas na parang b*lbol. Hehe).

Sa tambayan namin na yun kami naninigas pag nakikita namin ang mga kanya-kanyang crush namin, tulad nila Jeffrey Surio (star player ng basketball team, na sa sobrang pagka-hunk eh naisubo ni Joy ng buo ang isang Cream-O habang kaharap siya, habang nawawala sa sarili at nalalaglag ang panty), Mickey (na may loyalty award ako dahil simula first year hanggang fourth year eh ultimate crush ko siya), Benjo, Sir Faustino (a.k.a. Jao, dahil nung nabubulagan pa si Joy eh naiimagine nyang kamukha ni Jao Mapa, palibhasa hindi nya pa nadidiskubre ang maitim na lihim nito: ang namumuting laway sa gilid ng bibig), Sir Joel (na pinatandang version ni Harry Potter), Louie (na nakatuluyan ni Joy), at marami pang iba.

Dito rin kami madalas maghintayan bago ang unang klase. Pag late si Rellie at napagtripan namin, pag nakita na namin siyang parating, may usapan kaming ganito: "Ang pumansin kay Rellie, mawawalan ng kabarkada at hindi na rin kakausapin. Timer starts now!" Minsan napipikon si Rellie at nagwo-walk out (at nagpupunta sa kanyang dating "BEEEEESSSS!!!" na si Erika), at minsan din eh sumasakay na lang siya at nanghihipo para pansinin namin siya.

Marami rin kaming jeepney misadventures. Ngunit dahil nga sa matatas kong memorya, iilan lang ang natatandaan ko ngayon:
·     Joy: (sumakay at umupo na sa jeep) Asan ang payong ko?! (yun pala, hawak nya, at nakabukas pa sa likod nya kahit nasa loob na sya ng jeep!)
·     Joy, Emcee, & Aleiah: Aaaayyy!!! (biglang pumara ng sobra ang jeep, dahilan para lumipad kami mula sa kabilang dulo ng upuan papunta sa likod ng driver, bagsak kaming lahat sa sahig ng jeep. si Joy bitbit pa sa likod ng damit ang isa pa naming kaklase, sa pag-aakalang masasagip nya ito sa pagbagsak)
·     Emcee: (pasakay sa jeep) …Akala ko pa naman… *boog!* (nauntog sa "ride again" sign. ayun, nahilo)
·     Aleiah: (habang medyo tumatakbo na dahil naiiwan na ng jeep) Manong teka lang po, nakapalda po ako! (nakahawak pa sa palda dahil malakas ang hangin)
·     Jeff: (nang papunta kami sa Meycauayan para manood ng Jologs; nasa Bocaue pa lang kami, naglabas ng mapa) Malayo pa ba? (sagot namin: pwede ka nang bumaba, lakarin mo na!) (trivia: nun lang sya nakababa ng bundok)
·     Aleiah: (nagpapa-cute) *pika!* (ayun, hinabol ng nakamotor)
·     Rellie: (paatras maglakad palabas ng jeep para makaiwas sa panjejempot namin) *boog!* (pahiya)
·     Aleiah & Abel: Abel, gusto mong matawa? (ang Abel, taking-taka) Direchuhin mo ang tinutumbok ng kamay ko. (sabay turo sa *toot* ng lalaking katapat. ang Abel, gulat na gulat sa nakita.. isang malmal!)
·     Rellie: *boog!* (wala lang, tanga lang talaga)
·     Rellie: *boog!* (tanga lang ulet. haha!)

Minsan, may bloopers din dahil sa kanya-kanyang sabaw, walkout, emo, at kahit anong moment:
·     Jeff: (sa McDo, may tinuro kay Emcee) Ayun na lang bilin natin oh, bente lang yung fries saka coke! (ang tinuturo eh yung Go Large picture)
·     Rellie: (nilagyan namin ni Joy ng baga ng pusa ang backpack nya, naghinala, at nang nakita ang baga…) Putangina naman oh! (sabay hagis ng probe at walk out. nagkatinginan na lang kami ni Joy at nagtawanan)
·     (kumakain ng bubblegum si Joy para mawala ang kalasingan, pero nasuka pa rin sa gilid ng kalsada)
      Rellie: Buddy, gusto mo candy?
      Joy: Hinde, meron pa. (sabay turo sa bibig. eew! hehe)
·     (sa Pagudpud, habang nagtatakutan kami. syempre si Jeff ang monster. ang Emcee, nadapa!)
      Emcee: (maasim ang mukha) Sige na, iwan nyo na ko!
      Joy: Hinde, hindi kita iiwan! (parang tunay lang! kunsabagay, makatotohanan kasi ang role na binigay kay Jeff)
·     Rellie: (sa camping sa Mt. Makiling) Buddy, wag na tayong magsipilyo, marami akong baon na Maxx! (nirerecruit si Joy sa bad breath club)
·     Elay: (habang hinahati-hati ang dalang chocolates) Tangna nyo, pinagputahan ko pa yan, may makain lang kayong tsokolate!
·     Emcee: (habang inuusisa ng misyonaryong Kano si Jeff, biglang sumabat) He doesn't even know how to masturbate! (umasim ang mukha ng Kano at namula ang mukha naming anim.. inisip naming itatwa si Emcee bilang kaibigan dahil sa sobrang kahihiyan)
·     Aleiah: (lasing, naka-spiderman na sa dingding, at sinisilip si Joy habang umiihi, dahil iniwang bukas ang pinto) Hoy tignan nyo si Joy, kita ko pwet! (ilang segundo ang makalipas, tulog na sa basahan sa kusina)
·     Joy: (lasing din, kaya may ibang version ng naunang storya. sinara raw nya ang banyo at binuksan ko lang nung umiihi na sya) *wow-pare-heavy-eyes*
·     Jeff: (kausap ang sarili, nagrereview) Annelid, annelid, annelid… (may tono yan! with matching hand gestures pa na katulad ng commercial ng "isa pa, isa pa, isa pang chicken joy" pero hindi alternate ang kamay, kundi sabay na winawasiwas from left to right)
·     Jeff: (na naman! hehe) Nuclear wepins.. Successive beng-bengs!
·     Jeff: (sa quiz bee) Vangladesh!
·     Jeff: (bago ang cellphone! pinuslit ni Rellie, tinodo ang volume, saka pinag-ring) *lingon-lingon* (nung narealize nyang kanya yun, umasim ang mukha!)
·     Jeff: *boog!* (nadulas pagliko sa hagdan, habang naghahabulan kaming lahat isang gabi)

Jeff, wala ka bang napapansin? And the Sabaw Award goes to… (common sense na lang kung sino sa amin).

———

(Oct. 10, 2005 @ Sta. Maria, Bulacan)

Kuha ang larawang ito ilang minuto lamang bago maganap ang pinakamadilim na bahagi ng buhay ko: nang tamaan ako ng matindi at sunud-sunod na kamalasan! May field research kami para sa Limnology kasama si Ma'am Grace sa Sta. Maria. Dun kami sa ilog na hanggang bukong-bukong lang sa umaga, pero pagdating ng hapon eh aanurin ka na papuntang Atlantis. At dahil enjoy na enjoy kami sa pagpipicture at paghaharutan sa kabilang pampang (naks sa lalim ng Tagalog!), hindi namin namalayan na tumataas na pala ang tubig. Muntik na ngang malunod ang cellphone ko; isang sentimetro na lang at abot na ng tubig sa pantalon ko. Maya-maya, tinangay ng tubig ang kanang tsinelas ko. Hinayaan ko na lang, dahil tiwala akong masusungkit pa ng kaklase ko yun. Habang ingat na ingat ako sa paglalakad dahil maputik at madulas ang daanan (at wala ang isa kong tsinelas), nagtext si Paul. Nagreply ako: "Mya n kta tx, mputik ang kalsada, baka mdulas ako." Habang sinesend ko, boog! Ayun, nadulas ako. Una ang pwet, nakataas ang isang paa (at isang kamay, sa aktong pagsesend ng message!) Habang basa at putikan, nagulat na lang sila nang humiyaw ako ng CHIII!!! CHIII!!! CHIII!!! (tinuro sa akin yun ni Joy, isigaw daw yun para mawala ang sakit) Nakaapak ako ng malaking tinik ng kawayan! Pag-angat ng paa ko, kasama pa yung sanga. Tuloy, nilabhan nila yung blouse at pantalon ko sa poso (habang suot ko). Umuwi ako na namamaga ang paa at basang-basa. Parang naihi lang.

Isa rin sa mga pinaka-hindi ko malilimutang parte ng buhay kolehiyo ko ay ang kahihiyang sinapit ko nang ipain ako ng mga sarili kong kabarkada para sumali sa women's basketball team ng college namin. All in the name of my ultimate crush, Joseph Rufel "Mickey" Molina, na myembro ng men's basketball team namin (syempre, alangan namang sa women's division din!). Second year kami nang nag room-to-room ang basketball coach (na crush ko rin) para magrecruit ng bagong members. At ang bumasag sa katahimikan sa room namin? Ang maingay na sagot nila Joy ng "Si Aleiah po! Si Aleiah daw po!" Kaya ayun, napasubo ako. Hindi na ako nakatanggi nung si coach na ang nagtanong sa akin (landi kasi eh!). Masayang-masaya sila para sa akin dahil daw makakasabay ko sa practice sila Mickey. Oo, masaya naman. Pero ang naging kabayaran, eh katakut-takot na kahihiyan. Sa aktwal na laro, bangko ako nung una. At syempre, being supportive, naghiyawan ang mga magagaling kong kabarkada: "We want Aleiah! We want Aleiah!" At nung hindi kaagad ako ipinasok ni coach: "Paslangin na yang coach na yan, ayaw ipasok si Aleiah!" At ito pa: "Rellie, bigyan mo nga ng ensaymada si coach, para ipasok na si Aleiah!" Kung pwedeng lumubog na lang ako sa sobrang kahihiyan! Puro astigin na tibambolbees ang kalaban namin, samantalang sa team namin, puro kami mahihinhin na girlaloo! Nandyan lang naman ang dalawang beses akong pasimpleng siniko sa nguso ng mga walanghiyang tibo, at isang beses akong muntikang madapa dahil sa sobrang kakatakbo. Lampayatot kasi.

———

Hindi lang naman siguro kami ang barkadahan na may mga kanya-kanyang bansag. Yung iba dahil sa totoong kapintasan, yung iba dahil sa ugali, at yung iba, wala lang, trip lang namin. Halimbawa, si Emcee, na ngayon eh pamoso na sa tawag na Negrita (hindi ako nagpauso nyan ha, si Jeff!). Si Abel naman, Italyana (short for Itang Ilokana). Si Elay, kilalang Elay Gulay o Elay Bolay (kulang sa vitamins). Si Jeff, Sharkytect, pinaghalong shark at architect. Kamukha nya daw kasi ung baby shark (na teenager na sa totoo lang) na dinissect namin dati, tapos mahilig siyang magdodrawing ng kung anu-ano.

(Deer Bubble Boy at Sharkytect)

Pero kung mascot kaming lahat, malamang si Rellie ang pinakamabenta sa aming pito dahil sya ang may pinakachild-friendly image na costume: si Deer Bubble Boy (also known as Bambi)! Sa Tagalog, usang bulaang baboy. Masyadong mabaho kaya nagstick kami sa English version. Bakit kamo ganon ang palayaw nya? Usa (deer), kasi kamukha nya daw si Bambi, na kamukha rin ni Angel Locsin. Bulaan (bubble) dahil bulaan siyang kausap. Kunwari nasa crossing na ng Malolos, pero ang totoo, paalis pa lang siya ng bahay. At baboy (boy) dahil... ano sa tingin mo, dahil pumapayat siya?! Alam mo na yan! At tulad ni Narda, na sumisigaw ng "Darna!" para magtransform, si Bibam (normal na anyo) eh meron ding technique para maging ang taong usang baboy na superhero na si Bambi, at vice versa.

Ganito ang sistema ng Bambi transform (note: with emphasis sa mga naka-capslock):
Bibam: (habang umiikot ng clockwise) Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba-BAMBI!!!
Bambi: (umiikot ng counterclockwise) Bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-bi-biBAM!!!

Ayun, balik na siya sa pagiging pangkaraniwang taong usang baboy. Saying, nawala na ung sketch ko ng logo ni Deer Bubble Boy!

———

Sabi nila, high school daw ang pinakamasayang parte ng buhay estudyante. Pero para sa akin, kolehiyo ang pinakamasaya. Nung high school kasi, pinipilit kong mag-aral mabuti para maging scholar (poorita lang kasi kami, you know), samantalang nung college, kung ano lang ang pumasok sa isip ko, hindi ko na ipagpipilitan ang iba. Maraming beses din akong nakaranas na mag-exam na hindi man lang nagbuklat ng notes para magreview kahit konti. Madalas namang pasado, pero minsan bumabagsak din. Pero masaya pa rin! Ang gusto kong part ng exam eh ang practical exam. Sa Anatomy, mag-a-assemble si Sir Freddie ng mga internal organ ng pusa sa mga silya, at kailangan naming i-identify kung anong parte ang pinagtutusukan ng mga pin. Sa Microbiology, Botany, at Histology naman, ia-identify mo (o sa kaso ko, huhulaan) kung ano ang makikita mo sa mga naka-arrange na microscopic slides. Ang nasasabi ko na lang sa sarili ko noon, "Ano ba tong punyetang to?!"

Noong thesis days namin ko lang nalaman na ang ebs pala ng mga kambing eh korteng bilog na agad kahit nasa loob pa lang ng pwet nila. Pano ko nalaman? Dahil ako ang nagdevirginize sa mga birhen nilang pwet. Gang bang.

Si Joy ang thesis buddy ko noon. Ang topic namin, eto: "A Comparative Study on the Antihelmintic Properties of the Leaves of Carica papaya (Papaya), Anona squamosa (Atis), and Ananas squamosus (Pineapple) and their Efficacy Against Strongyles and Strongyloids in the Gastrointestinal Tract of Anglo-Cross Goats." Astig pakinggan di ba? Pero in layman's terms, pampurga sa mga kambing lang ang ibig sabihin nyan.

Habag na habag ako noon sa mga pobreng kambing habang dinudukot ko ang kaloob-looban ng pwet nila para kumuha ng stool sample. Kailangan daw kasi uncontaminated para mas accurate ang resulta. Itinest namin ang mga ebs nila para makita kung may bulate sila, at halos lahat naman sila, meron. Kaya nagmaganda na kami at nagpatuloy sa eksperimento, pinainom namin sila ng pinatuyo at dinurog na dahon ng papaya, atis, at pinya na inihalo sa tubig. Sa awa ng Diyos, nawala naman ang bulate nila pagkatapos ng ilang araw. Yun nga lang, isa-isa silang namatay pagkaraan ng ilang linggo. Hanggang ngayon, binabagabag pa rin kami ni Joy ng kunsyensya namin dahil ang mga kamay namin ay may bahid ng dugo (at tae) ng mga inosenteng kambing. (Pero promise, nagkataon lang yun, hindi kami ang pumatay sa kanila! Hehe.)

Sila Jeff, Elay, at Emcee naman, ugat cogon grass ang pinagdiskitahan. Hirap na hirap sila! (Kahit na ang totoo, si Jeff lang ang nasusunog sa ilalim ng araw sa pagkuha ng kugon sa gitna ng talahiban, at sila Emcee at Elay ay sitting pretty. Haha! Joke.) Sila Rellie at Abel naman, pinag-initan ang tubig-poso; pinag-aralan nila kung ligtas bang inumin iyon. Oo, ganyan ka-weird ang kurso namin!

(Babala: Ang mga susunod ay hindi para sa mga animal rights activists!)

Ang animal dissection ang isa sa mga paborito kong parte ng pag-aaral namin. Wala nang maipagmamalaki sa amin ang mga palaka, pating, fetus ng baboy, at pusa dahil alam na namin kung ano ang itsura nila pag binalatan, tinanggalan ng muscles, at nilapastangan (sa maniwala kayo at sa hindi, mahilig ako sa mga hayop, lalo na sa pusa).

Pinakamabaho ang pating sa lahat! Paghalu-haluin mo ang lansa ng isda, amoy ng nabubulok na karne, at amoy ng formalin, ganon siya. Tolerable ang amoy ng pusa. Yun ay kung ang mummified na pusa ang bibilhin mo, at hindi ka magtitipid tulad ng mga kuripot kong kaklase, na ang ginawa eh kumausap ng isang embalsamador sa malapit na punerarya para manghuli ng mga kawawang pusa at lunurin sila sa formalin. At kasama ako sa mga nagtipid na yun, kaya kadiri ang binulatlat kong pusa noon.

Ang tanong: Pagkatapos ng dissection, saan napupunta ang mga bangkay? Ang sagot: Ewan ko sa iba, pero yung pating namin, inihagis lang namin sa field ng BSU. Mga walang magawa! Mabuti na lang at walang saksi.

Pagkatapos magbulatlat ng lamang-loob ng mga hayop, derecho kami sa Mini-Forest para kumain ng maming gala (na ngayon ay maming pirme na). Paborito namin yun dahil mura lang, lalo na pag malamig ang panahon. Pag medyo may pera, doon naman kami kumakain sa Bitang's (tapsilogan), na gustung-gusto ni Joy para makapag-uwi siya ng buto ng mga manok sa mga alaga nilang aso na sila Justin, Jegalyn, at iba pa.

Noong college din natutong magdrive si Joy ng kotse. At minsan, habang abala akong nakikipaglandian kay Paul, nagtext siya. Puntahan daw namin siya dahil nasira nya ang bumper ng kotse nila nang kumayod sa isang malaking bato. Lagot! Pero don't worry, happy ending pa rin ito dahil naipaayos nya agad ang sira habang kasama si Louie.

———


Eto kami noong April 4, 2006, araw ng pagtatapos. Kitang-kita na namumugto pa ang mga mata ni Deer Bubble Boy, este, Rellie, dahil sa kakaiyak. Hindi ko alam kung dahil sa yun sa sobrang tuwa, sa lungkot, o sa kahihiyan dahil sa ilang beses nyang pananakot sa amin na hihinto na siya sa pag-aaral eh wala naman siyang tinotoo. At sana lang, hindi mahalata ni Emcee na dinoktor ko lang ang larawang to at itinapal ang mukha nya sa mukha ni Ejas para makumpleto kami.

Fast forward. Balik na sa 10/10/10.

Akala ko, hindi na matutuloy ang reunion namin dahil sa mga naging hindi pagkakaintindihan ng ilan sa amin. Ilang taon ding hindi nag-usap si Joy at si Abel. Tapos, si Rellie at si Emcee. Tapos, si Abel at si Rellie naman. Siguro, ganon talaga minsan, na sa sobrang pagka-miss natin sa isang tao eh nagiging masyado tayong maramdamin, na nauuwi sa tampuhan, o minsan away talaga. Tulad nila Abel at Rellie, na ilang buwan lang ang nakakaraan eh halos magpatayan na sa palitan ng mga salita, pero nang magkita, maya-maya eh naghihipuan na naman!

Napakarami nang nagbago simula nang makagraduate kami. Sa BSU pa lang, maliligaw ka na. Wala na ang Spratlys (pati ang sisigan), wala na ang pool, wala na ang oval, at wala na ang stage. Nag-improve na ang ilang building. At maraming bago: bagong mall sa tabi ng main gate, bagong buildings, bagong covered court, at bagong lawn. Sa labas, wala na ang mga maming gala. Ang pumalit, maming pirme (may pwesto na kasi talaga sila!). Pero mananatiling Bulacan State University iyon para sa aming lahat. Parang kami, nagbago na kaming pito, pero kami pa rin ang mga taong nagkakila-kilala walong taon na ang nakakaraan, kami pa rin ang magkakaibigan.

Anu-ano nga ba ang mga ipinagbago namin? Tignan natin:

 (left: February 2004 @ Mt. Makiling. right:  October 2010 @ APO)

 (left: January 2005 @ Pagudpud. right: October 2010 @ Integ Bldg)

 (left: January 2005 @ Cape Bojeador. right: October 2010 @ Integ Bldg)

 (left: March 2006 @ "bukangkangan." right: October 2010 @ same place)



 (left: January 2006 @ McDo CEU. right: October 2010 @ McDo BSU. naks!)



 (left: January 2005 @ Ilocos Norte. right: October 2010 @ Heroes' Park, BSU)



(left: January 2005 @ Cape Bojeador. right: October 2010 @ Integ Bldg)


(left: July 2002 @ SocSci Dept Faculty <beside Science Faculty>.
right: October 2010 @ Science Dept Faculty)

Ano'ng nagbago? Marami!

Si Joy, pumayat na. Hindi na kulay mais ang buhok. Hindi na parang nasubsob sa espasol kung makapag-foundation. Siya na hinulaang magiging career woman with no time for love, ayun, puro time for love kaya nakadalawa na, at halos apat na taon nang kasal kay Louie (pronounced as Lee-wee), isang full-time mom sa ngayon. Sino ba ang mag-aakala sa amin na siya ang mauunang mag-asawa? Sa tingin ko wala. Pero siya pa rin yung Joy na nakilala ko na handang makipag-upakan sa kahit sinong mang-aapi sa mga mahal nya sa buhay. Yung Joy na kahit gano pa katigas tignan sa labas, eh umi-emo sa loob. Yung Joy na best friend ko rin. At alam ko, kahit malaki ang pinagkaiba ng buhay nya ngayon sa buhay na inakala naming para sa kanya, eh wala syang pinagsisisihan sa mga naging desisyon nya. At alam kong masaya siya.

Si Abel, pumayat na rin. Parang tunay na straight na ang buhok. Uhm.. lumiit na rin ang binti? Hehe. Wala pang sariling negosyo pero marunong dumiskarte sa buhay. At hindi na bagay sa kanya ang tawaging "nene." Kalokohan na yun! Dati siya yung conservative sa amin, yung tipong kasal muna bago honeymoon. Teka, wala akong sinabing puro honeymoon siya ngayon ha! Secret lang natin yun! Sa tingin ko, siya ang may pinakamalaking pagbabago sa aming lahat, dahil sa Maynila sya agad napadpad ng trabaho. Natutong manigarilyo, kumayas sa mga puno, manggatas ng mga seaman (hehe), etc. Pero siya pa rin yung masiyahin, malambing, at totoong kaibigan na nakilala ko, in good times and in bad times. Siya pa rin yung mapagmahal na anak at kapatid sa pamilya nya. Mukha mang manununtok minsan, malambot pa rin ang puso sa loob. Sa kanilang anim, sa kanya ko pinaka-nasasalamin ang sarili ko, kaya naiintindihan ko siya.

Si Emcee, nagmukha na syang babae imbes na kaha ng sigarilyo (nagsalita ang mataba dati!). Humaba na rin ang hair! At sa tingin ko, nagsusuklay na siya ngayon kahit pano, at marunong na siyang magmake-up. Hindi mapakali sa trabaho, siguro katulad ko rin na hindi pa mahanap ung trabahong makakapagbigay ng sense of fulfillment. Umiiral na rin ang diplomasya sa kanya, hindi na siya masyadong firewood! Pero siya pa rin yung Emcee na soooobrang magmahal sa nanay nya, yung Emcee na soooobrang lakas ng bibig na parang nakalunok ng megaphone habang kumakain ng pengpeng ng baboy, yung Emcee na walang ibang ginawa kundi i-bully si Jeff, yung Emcee na kahit gaano kaproblemado sa buhay eh kaya pa ring tumawa at magpasaya ng ibang tao. At yung Emcee na sinasabon ako pag may kagagahan akong ginawa, pero sa bandang huli, susuporta pa rin siya sa kahit anong balak kong gawin. At may isang bagay pang hindi nagagalaw, este, nagbabago sa kanya. Hihihi! The last woman standing… woohoo! Kasi naman, imbes na ang magflashback sa utak eh porn images, mantakin mo ba namang mga pangarap nya sa buhay ang bigla nyang naalala! Andun na eh! Konti na lang aabot na sya sa dako pa roon, kaso nga…ayun, naudlot pa! Iniisip ko tuloy, siguro sa sobrang pagtirik ng mata, lumagpas siya sa section ng utak kung saan makikita ng mata ung hard-core porn at napunta siya sa section ng mga ambisyon nya. Kaya next time, mag-iingat na rin ako, baka magaya ako sa kanya. Panira ng moment yun!

Si Elay, humaba na ang buhok at nagkalaman na rin simula nung manganak. Oo, may asawa't anak na rin sya, pero hindi si Edgar (pronounced as Hedgar) ang nakatuluyan nya kundi si Joey. At napakawalang kwenta kong kaibigan dahil sa mga oras na to, hindi ko maalala kung ano na ang apelyido nya ngayon! Hehe. Parang siya lang ang nagkatotoo ang hula sa amin, pwera na lang sa part na kung sino ang napangasawa nya. Isa siyang payak na butihing maybahay (hanep na naman sa Tagalog!) na sa palagay ko eh wala ring pinagsisisihan sa mga naging desisyon nya dahil masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Ganon pa rin siya, tahimik pero ibabaon ka pag bumanat, mukhang mataray.. at gulay pa rin. Hehe. Wala pa rin siyang masyadong energy para makigulo sa pisikalan namin. Siguro hanggang ngayon nagtataka pa rin siya kung bakit sa amin siya napasama.

Si Rellie, hindi na siya biyakis! Naka-gel na ang ungas ngayon! Itinigil nya na rin ung porma nyang parang may tae sa pwet. Marunong na syang pumostura. Nabawasan na rin ang pagiging mukhang intsik beho nya… dahil full-blast Bambi na sya ngayon. Siya ang may pinaka-stable na trabaho sa amin bukod kay Abel. At kailangan natin syang palakpakan, dahil pagkatapos ng dalawang taong pagiging contractual sa Lloyd Laboratories, eh narinig na rin ang hinaing nya at regular na siya sa wakas! Yehey! Siya pa rin ung tampururot na Rellie na nakilala ko. Firewood pa rin. Hahaha! Pero mas responsable na siya ngayon, siya pa nga ang sumusustento sa jowa, este, sa buong pamilya nya, pati sa pamilya ng kapatid nya. Siya pa rin yung makulit, manyak, at baliw na Rellie. Ang katulong ni Emcee sa pambu-bully kay Jeff. Marami na siyang pinagdaanang butas (literally speaking… haha! at clue, sa likod sya dumadaan!). At higit sa lahat, marunong na siyang magsorry ngayon! Hehe.

Si Don Jeff, nag-improve na rin (sa maniwala kayo't sa hinde). Hindi na siya mukhang bugbugin masyado. Tingin ko, sa barbershop na talaga siya nagpapagupit ng buhok at hindi na produkto lang ng sariling sikap. Nakapagpa-straight na rin siya ng buhok (na di hamak na mas bagay sa kanya) pero ewan ko kung bakit nya naisip na mas gusto nya yung buhok na pwedeng pagpatungan ng lapis. Siguro mas gusto nya yung mukha siyang down-to-earth. Sa Tagalog, hampas-lupa. Ang dating matigas na "nuclear wepins" at "successive beng-bengs" nya, napalitan na ng "Hello, this is Jeff, how may I help you?," "innernet," at "tweni-five" dahil sa "call senner" na siya nagtatrabaho. Wala mang kotse tulad ng hula sa kanya, nabibili naman nya lahat ng gusto nya. Masaya ako para sa kanya dahil malaki na ang naging improvement ng pagkatao nya. Dati kasi, mahiyain (nasa loob kasi ang kapal ng mukha) at walang tiwala sa sarili (kunwari lang naman! haha!) si Jeff. Ngayon, natutuwa ako, at kaming lahat, na malakas na ang kumpyansa nya sa sarili at lumabas na ang totoong kakapalan ng mukha nya, pero nananatili pa rin syang down-to-earth. Sa Tagalog ulit, hampas-lupa pa rin. Siya pa rin yung Jeff na hindi kailanman nagdamot, nagyabang, nagpabaya, at nang-iwan ng kaibigan. Marami na rin siyang pinagdaanang butas (hindi ko nga lang sigurado kung dapat din akong maging literal dito) kaya matibay na siya ngayon. Suko rin ako sa pagiging ulirang anak at kapatid nya, dahil handa nyang patayin ang sarili sa pagtatrabaho para lang may maipangsuporta sa buong pamilya nya. Kaya nga nalungkot ako nung nalaman kong nagka-dengue siya. Akala ko kasi ang mga shark, immune sa lahat ng sakit! Hindi pala totoo yung bagay na yon, nalungkot tuloy ako.

At ako… wala, uwian na! Hindi na isang guhit ng uling ang kilay ko. Medyo nagmukha na rin akong babae kahit paano dahil nagpahaba na rin ako ng buhok. Pwede na rin akong pumasa bilang model ng muscular system ngayon; dati kasi, pang-skeletal system lang talaga ako. Haggard! Hindi na rin ako laging naka-Maui Wiwi outfit… minsan na lang. Baka kasi dumami ang mga baklang masuntok ko sa pagmumukha. Nakailang palit na rin ako ng kumpanyang pinagtatrabahuhan at ilang lalaki na rin ang natikman, este, minahal ko, pero eto pa rin ako, hinahanap ang trabaho at ang lalaking makakapagpadagdag ng saya sa buhay ko, tulad ni Emcee at Abel. Shet, single pa ako! Nasaan na ang mga uhuging bata na karay-karay ko at ang ipinagbubuntis ko pa? Drawing lang sila. Ako pa rin ito, tulad ng dati… mukhang mahinhin, pero akala nyo lang yun! Madali pa rin akong paiyakin, pero mas matibay na ako ngayon dahil sa mga pinagdaanan ko. Marami pa rin akong mga kalokohan pero mas responsable na ako sa buhay ko. Ako pa rin ito, si Aleiah, na kahit hindi halata, ay buong pusong nagmamahal sa pamilya at sa mga taong itinuturing kong kaibigan.

Unpredictable. Ganito ang buhay. Kung mahuhulaan natin ang hinaharap, wala nang kwenta ang lahat. Sino ba ang mag-aakalang sa tigas ng dila ni Jeff eh magiging call center agent sya? Na magpapamilya ng maaga si Joy? Na magiging liberal si Abel? Na magiging workaholic si Rellie? Na virgin pa rin si Emcee? (sorry kiks, slip of the tongue!) Na hindi si Edgar ang makakatuluyan ni Elay? Na wala pa akong asawa't anak at hindi ko pa rin alam ang gusto kong gawin sa buhay ko?

Desisyon o tadhana? Alin sa dalawang ito ang magsasabi sa takbo ng buhay natin? Sa tingin ko, pareho. Desisyon namin na mag-aral ng BS Biology kahit halos lahat sa aming pito eh hindi naman talaga ito ang gustong kurso kung tutuusin. Tadhana ang nagtagpu-tagpo sa amin, pero desisyon namin na maging magkakaibigan mula noon hanggang ngayon. Kung nasaan man kami, at tayong lahat, ngayon ay halu-halong consequence ng mga naging desisyon namin. We are at where we're meant to be. Para saan ba ang sinabi kong yon? Hindi ko rin alam, naisip ko lang. Pero seryoso, wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko na mag-aral ng Biology. Hindi ko man nakuha ang kursong gusto ko (at nahihirapan man akong maghanap ng trabaho dahil dito), nakilala ko naman ang anim na tao na malaki ang naging papel sa paghubog ng pagkatao ko. Natutunan kong ang boyfriend eh napapalitan, pero ang kaibigan, hindi. Nakakatuwang isipin na kahit ilang relasyon na ang pinasok ko simula noon, pero sila pa rin ang mga kaibigang kasama kong nagsasaya pag masaya ako, at sila pa rin ang mga kaibigan kong pumupulot sa akin sa pagkakasubsob sa putikan (sorry na, tanga lang) pag nagiging kwadrado ang mundo ko.

Ganito kami noon… ganito pa rin kami ngayon! Magkakabarkada, magkakaibigan, magkakaramay, magkakapatid sa puso.

Cheers para sa mas marami pang taon ng pagkakaibigan! Fly high, F4K! (Note to Abel: Please insert your picture in this one. Hehe)

 
Rellie, Jeff, Emcee, Elay, Abel, and Joy, I love you guys!